Panalipdan Tubig Kinabuhi

Isang maka-kalikasang pagbati mula sa Alyansa Tigil Mina
(ATM) na binubuo ng mahigit limampung mga organisasyon ng mga siyentipiko,
relihiyoso, abogado, magsasaka, mangingisda, environmentalists at marami pang
iba. Ang ATM ay pinangungunahan ng environmental/conservation group na Haribon
Foundation, mga legal at human rights experts ng Legal Rights and Natural
Resources Center-Kasama sa Kalikasan/Friends of the Earth Philippines
(LRC-KsK/FoE Phils) at ng isang malaking organisasyon para sa social development
na Philippine Partnership for the Development of Human Resources in Rural Areas
(PhilDHRRA).

 

Narito tayo ngayon upang magkaisa upang igiit ang ating
likas na karapatan sa ating likas na yaman lalung-lalo na sa TUBIG na bukal ng
BUHAY. Ang TUBIG na nanganganib na matuyo dahil sa walang pakundangang
pag-abuso sa pinagkukunan nito sa ating mga kabundukan. Ang TUBIG na siyang
nagbibigay BUHAY sa lahat ng may BUHAY. Ang TUBIG na isa sa likas na
nagbabalanse sa mga proseso ng kalikasan.

 

PANALIPDAN TUBIG KINABUHI

 

Panalipdan: Pangalagaan, Ipaglaban!

 

Sa araw na ito, apat na raan at walumpu’t walong taon na
ang nakaraan, ika-27 ng Abril 1521, inaalaala natin ang katapangan at kagitingan
ni Lapu-lapu sa pulo ng Mactan. Napagtagumpayan niyang ipaglaban ang kanilang
mga karapatan. Napagtagumpayang lupigin ang mga Kastila dala na rin sa
kasakiman ng kapwa niya Pilipino na sina Rajah Humabon at Datu Zula.

 

Isang aral sa ngayon. Ang kasaysayan ay muling inuulit.
Hindi na tayo natuto. Ang kasakiman nina Rajah Humabon at Datu Zula ay muling
nabubuhay at ang ating mahal na mga lupain ay pilit na ibinibigay sa mga
banyaga. Ngunit, ngayon, unti-unti ang ginagawang pang-aabuso, pagsasamantala,
tahimik. Unti-unting pinapatay ang sambayanan. Bukas makalawa, wala nang bundok
na aakyatin, wala nang mga punong pagkukunan ng pagkain at wala nang tubig na
maiinom. Ipinagpatuloy ng mga magigiting na Gabriela Silang, Andres Bonifacio,
Jose Rizal. At sa ngayo’y pilit na ginigising muli ni Lapu-lapu ang ating mga
puso’t isipan at paalabin itong muli.

 

Huwag nang paloloko sa mga pinunong walang magawa kundi
ang sakupin pati ating kinabukasan at kaluluwa. Sa buong Pilipinas sa aking
paglalakbay, may aral akong natutunan. Sa usapin ng pagmimina, kung wala pang
approval, sasabihin ng mga pinunong umiikli ang buntot sa takot na aprubado na
ito sa taas, may basbas na, kaya pumirma na kayo. Oo naman at pipirma ang mga
mamamayan. At ang kanilang pinirmahan ay ang siyang ibibigay sa taas upang
maaprubahan ang proyekto. Kay gandang hokus pokus! Kay samang gawain!

 

May Balaod. Ngunit pinaglalaruan ito kaalinsabay ng
pagsayaw sa saliw ng korupsyon at kultura ng takot. Ang paboritong sayaw ni
Kamatayan. Dahil paglalarong ito, ang mga may karapatan ng dapat na
pinapangalagaan ng Saligang Batas ay inaapak-apakan, niyuyurak, binabalatan
nang buhay sa saliw ng nakakabinging tugtog  ng pagka-makasarili at
halakhak ng panunuhol, kasinungalingan, panloloko.

 

Dahil ang mga mamamayan ay TANGA, walang ALAM! Kaya
nararapat na alipustahin! Dahil ang tingin nila tayo ay BAYARAN!

 

Ito ang kalagayan ng pagmimina sa Pilipinas. Ito daw ang
sagot sa kahirapan. Ito daw ang Mesiyas upang tayo’y makatayo at umunlad.

 

Tubig: The driving force of all nature, sabi ni Leonardo
da Vinci—ang nagpapagalaw sa lahat.

 

Wala nang tanong-tanong pa.

 

Ang kumpanya ng mina ay magkakaroon ng karapatan sa lahat
ng pinagkukunan ng tubig kung maaaprubahan man ang kanilang aplikasyon. Lahat
ng mga bukal, sapa, ilog pati kanal ay mapapasakanila.

 

Responsableng pagmimina? Hindi ako naniniwala! Sa ngayon,
imposible! Hangga’t ang tubig na dumadaloy sa Mogpog River sa Marinduque ay
maaari nang mainom, at mabubuhayan ng isda, at kung mapapalinaw muli nang
walang bahid dumi ang Anahawan River sa Barangay Babuyan sa Carrascal at
malilinis ang mapupulang tubig sa mga kabakawan sa bayang naturan... at mabuhay
na mag-uli ang mga isdang nangamatay sa karagatan ng Rapu-rapu...

 

Ngayon, nanganganib ang Carac-an River na isang major
river basin sa Cantilan. Pati ang tubig-kanlungan o
watershed ay pilit na akuin. Isang hamon sa lahat ng naririto.

 

Ito ang kalagayan ng pagmimina sa Pilipinas. Ang
natitirang pinagkukunan ng pamatid-uhaw, pinagkukunan ng pandilig sa mga
pananim, pinagkukunan ng kabuhayan, ng BUHAY.

 

May sinasabi na ang United Nations sa pamamagitan ng
Millennium Development Goals at ng Philippine Agenda 21 na nararapat na sundin
ng ating mga opisyal at gobyerno:

 

“Tiyakin ang kapanatilihang pangkapaligiran.”

 

Pagsamahin ang mga prinsipyo ng sustainable development
sa mga patakaran ng bansa at mga programa; baligtarin ang pagkawala ng
mga yamang pangkapaligiran.

 

Bawasan ang pagkawala ng biodiversity; isinasagawa na, sa
2010, ang makabuluhang pagbabawas sa antas ng pagkawala

 

Ipangalahati, sa 2015, ang proporsyon ng taong wala
kapana-panatiling paraan ng pagpasok ng ligtas na tubig-inumin at batayang
sanitasyon .

 

Ngayon nagbibingibingihan pa rin ba tayo?
Nagbubulagbulagan pa rin ba ang mga may kapangyarihan? Ang mga nasa posisyon?
Mabuti na lamang at may mga iilang magigiting na mga pinuno ang tumatayo upang
ipaglaban ang mga karapatan ng mga mamamayan.

 

Ito ang kalagayan ng pagmimina sa Pilipinas. Ang usapin
ng pagmimina ay nililimitahan na lamang sa pag-unlad at ekonomiya.

 

Ang kapakanan ng KINAIYAHAN ay isinasawalang-bahala o
minsan nalalagay sa alanganin at laging nawawala sa isang ihip ng hangin ng
kasakiman.

 

Ang YUTANG KABILIN ng mga lumad ay inaangkin.

 

Ang TUBIG na nagbibigay KINABUHI ay hinihigop ng mga
dambuhalang halimaw.

 

Ang usapin ng pagmimina ay hindi lamang ekonomiya. Ito ay
usapin ng BUHAY.

 

Ang tinuod nga paglambo mao ang pagkinabuhi nga sakto.
Ang tinuod nga paglambo mao ang pagkinabuhi nga haom o nahiuyon sa proseso sa
kinaiyahan.

 

Ang tinuod nga paglambo mao ang paglambo nga walay
gakatumbang katungod sa mga gakabuhi sa karon ug ugma.

 

Naa pay paglaum.

 

Naa pay Diyos.

 

Ani-a pa ta.

 

PANALIPDAN ANG KINAIYAHAN.

 

PANALIPDAN TUBIG KINABUHI.

 

PANALIPDAN ANG KINABUHI!

Your rating: None

Post new comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.

COMMENT RULES:

Hi everyone,

I'm the national coordinator of Alyansa Tigil Mina (ATM), the owner of this site.

We will always respect views and opinions posted on this site, as much as we encourage open discussion and intelligent debate on the issue of mining. ATM has its stand on this issue very clearly, and we welcome the comments from those who do not agree with us.

However, we have observed that in the past few days, this forum has gone way beyond acceptable behavior of netiquette.

I will request and strongly encourage all posters to at least follow the following rules:

1. Be civil. Basic courtesy and privacy norms should be practised by posters in this forum. Make your mom at least proud by showing you still remember to be polite, even if you're not required to say "po" or "opo" in every post you make. We wouldn't mind that either, if you do so. Then again, I am assuming here that you're already an adult.

2. Personal attacks will not be tolerated. This also applies to flaming. Just in case you don't know what flaming is, its deliberately insulting or personally ranting against a poster (or a thread) simply because you are losing the arguments.

3. Avoid being anonymous. Since you have enough time to post long comments, you would at least have a few seconds to type even an alias. You also help people conclude that you are not a paid hack from a PR firm by Intex (or any other mining company)

4. Do not shout in the forums. Do not use ALL CAPS in your posts. A single exclamation point should also suffice.

We will observe the forum in the next few days. Should these rules be disregarded, we will transform this into a minimally-moderated forum. We hope we will avoid the situation that we will decide to make this a closely and strictly moderated forum. We value everyone's insights so much.

We'll check up again on this new rules after a short while. Of course, we expect the Intex ECC to be revoked in a few days. In this case, I suspect that the "excitement" in this thread would have died down.

Jaybee Garganera
National Coordinator
ATM
  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Lines and paragraphs break automatically.

More information about formatting options

Image CAPTCHA
Copy the characters (respecting upper/lower case) from the image.